CAGAYAN DE ORO CITY – Nagpapagaling pa ang apat na mag-aaral na nasugatan nang tinamaan ng ipo-ipo ang maraming kabahayan,government buildings, mga paaralan at moske sa Barangay Proper,Marogong,Lanao del Sur.
Ito ay matapos unang nahagip ng ipo-ipo ang 15 na kabahayan at ibang mga gusali na nagdulot nang pagka-abala ng nasa halos 30 pamilya sa lugar.
Sinabi ni Lanao del Sur Provincial Disaster Risk Reduction Management Office head Saripada Pacasum Jr na kabilang nabigyan ng hospital medication ay sina Saima Victory;Jawad Camlon at maging si Nurhada Ameraol at Nurmalia Maruhom.
Inihayag ni Pacasum na kasalukuyang nakikisilong ang apektadong mga pamilya sa kanilang mga kaanak habang inaabutan naman ng tulong ng municipal government.
Una rito,nagpapasalamat na rin ang mga tao na maaga na tumama ang ipo ipo dahil nakikita pa nila ang galaw nito nang dumating sa Barangay Proper noong Sabado ng hapon.
Bagamat hindi ito ang unang pagkakataon na binisita ng ipo-ipo ang Lanao del Sur subalit ilang beses na noong nagkaraang mga taon.