-- Advertisements --

Umabot sa mahigit 4 million estudyante ang nag-enrol sa Alternative Learning System (ALS) sa nakalipas na anim na taon ng Duterte administration.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, isang mahalgang legacy ng Duterte administration ang ALS dahil mas maraming mga out of school youths at adults (OSYAs) ang nag-enrol sa naturang programa.

Sa data mula sa DepEd, lumalabs na ang yearly average ng bilang ng mga out of school youths at adults na nag-enrol sa ALS sa ilalim ng Duterte adminsitration mula 2016 hanggang sa kasalukuyan ay tumaas ng 80 porsyento kumpara sa dalawang nagdaang administrasyon kung saan nasa average na 377,842 learners ang nag-enrol kada taon mula noong 2005 hanggang 2015.

Sa ilalim ng kasalukuyang administrayon umaabot sa 681,308 ang taunang bilang ng enrollees.

Ayon pa sa DepEd, na sa kabuuang 288 public schools at 2 private schools mula sa 10 rehiyon sa bansa ang nagsasagawa ng ALS-Senior High School program para mabigyan ng mas maraming oportunidad ang mga out of school youths at adults.

Maaalala, unang sinimulan ang pilot implementation ng ALS program sa Region 5 noong 2019 kung saan nasa 62 mag-aaral ang nagtapos.