-- Advertisements --
Patay ang apat na katao matapos ang banggaan ng dalawang ultralight plane sa northern Spain.
Natagpuan ng mga bumbero ang isang nasusunog na eroplano sa makahoy na lugar malapit sa Mola aerodome ng northern Barcelona at doon natagpuan ang dalawang biktima.
Matapos ang ilang oras ay nakita ng mga bumbero ang ikalawang eroplano na nasunog kasama sa loob ang dalawang patay na biktima.
Base sa inisyal na imbestigasyon na nakita ng ilang mga residente doon ang pagbangga ng dalawang eroplano sa ere bago tuluyan silang bumagsak.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nasabing insidente.