CAUAYAN CITY- Niyanig ng magkasunod na malakas na lindol sa Taiwan kagabi at ngayong hapon ng Linggo.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Gina Lin ng Taiwan na kagabi unang naramdaman ang 5.9 magnitude na lindol sa Taitung na nasa southeastern ng Taiwan at umabot sa 28 aftershocks ang naramdaman kagabi.
Ang Taitung anya ay malayo sa mga lunsod at isa itong lugar na pinagtatamnan ng mga agricultural products
Kaninang 1:00pm naman ay dumanas naman ng 6.9 magnitude na lindol sanhi para bumagsak ang ilang residential building sa Hualien city.
Mayroon anyang apat na Taiwanese ang pinaghahanap ng mga rescuers mula sa mga gumuho at bumagsak na mga resdential houses .
Nag-abiso na rin ang pamahalaan ng Taiwan sa kanilang mga mamamayan dahil sa posible pang magkaroon ng mga malalakas na aftershocks.
Sa Taipei kung saan siya nakatira ay magnitude 1 lamang ang naramdamang pagyanig dahil tatlong oras ang biyahe bago makarating sa Hualien
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan siya sa mga kapwa Pilipino upang alamin kung mayroong naapektuhan ng malakas na Lindol
Samantala, inihayag ni Gina Lin na noong ikadalawamput isa ng Setyembre 1999 ay naramdaman ang malakas na lindol sa Taiwan na umabot sa mahigit 3,000 ang namatay.