BUTUAN CITY – Isasampa na ngayong araw ang kaso laban sa apat na suspek na naaresto sa entrapment operations sa Agusan del Norte kahapon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni PLCol. Eugene Balugo, Deputy Regional Chief ng Criminal Investigation and Detection Group-Caraga Regional Field Unit, isinagawa ang operasyon dahil sa reklamo ng Philippine Dental Association-Caraga Chapter kaugnay sa dental malpractice.
Unang ginawa ang operasyon dakong alas-2:15 ng hapon sa beauty parlor na nasa Purok-1, Barangay Holy Redeemer nitong lungsod.
Dito ay naaktuhang nagsasagawa ng dental braces ang hinuling sina Juliviel Bado at Shiella Manzo na residente sa nasabing barangay.
Habang sa alas-4:50 ng hapon ay inilunsad din ang police operation sa dental clinic na nasa District-7 ng Barangay Kinabjangan, Nasipit, Agusan del Norte, na humantong sa pagkaaresto kina Franklin Ortega Sardual.
Wala kasing lisensiya ang mga ito bilang dentista, pero ang anak nilang si Kharon Sardual-Estacio ay isang licensed dentist.
Paliwanag ni Police Lt. Col. Balugo, kasama sa dinakip ang anak dahil sa pag-tolerate sa kanyang ama na tatanggap ng kliyente sa kanyang dental clinic.
Nilabag ng mga suspek ang Republic Act 9484 o ang “act to regulate the practice of dentistry, dental hygiene and dental technology of the Philippines.”