-- Advertisements --

LAOAG CITY – Apat na indibidual ang inaresto ng mga otoridad sa ikinasang anti-illegal gambling operation sa isang lamay sa Brgy. 13, Baay, Batac City.

Ayon kay PLt. Col. Mar Louise Bundoc, hepe ng PNP-Batac, apat na lalaki ang mga naarestong nagsugal.
Sinabi ni Bundoc sa pagkasa ng operasyon ay naaktuhan ang paglalako ng mga suspek ng Lucky 9.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 40 na piraso ng baraha, lamesa, wallet at apat na monoblock chair kasama ng P2,208 na bet money.

Nanatili sa kustodiya ng PNP ang mga suspek habang nasa proseso ang kasong maipipila kontra sa mga ito.