-- Advertisements --
Nakaranas ng 4.3 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Zamboanga kaninang alas-5:43 ng umaga.
Natukoy ang epicenter nito sa layong limang kilometro sa hilagang silangan ng Dumingag, Zamboanga Del Sur.
May lalim itong dalawang kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Wala namang naitalang malaking pinsala, habang wala na ring inaasahang aftershocks mula sa nasabing lindol.