-- Advertisements --
Aabot na sa 4.3 million estudyante ang nakapag-pre-register na para sa School Year 2021-2022.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary Jesus Mateo, ang bilang na ito ay binubuo ng mga estudyante mula sa kindergarten, Grade 1, Grade 7, at Grade 11.
Kumakatawan din ang numerong ito sa halos 95% ng mga estudyante na nakapagpa-enroll sa nakalipas school year.
Magugunita na Marso 26 nang sinimulan ang early registration para sa pasukan.
Nakatakda ito sana magtapos noong Abril pero pinalawig hanggang sa katapusan ng Mayo.