-- Advertisements --
usatsi 20331709

Tinanggihan ni Milwaukee Bucks Power Forward at NBA Champion Khris Middleton ang kanyang $40.4Million option.

Ito ang kinumpirma ni Bucks general manager Jon Horst, isang araw matapos ang NBA 2023 Draft.

Ibig sabihin, magiging available na si Middleton sa NBA market pagsapit ng trade season sa Hulyo-7.

Gayunpaman, sinabi rin ni Horst na nais pa rin nilang makuha si Middleton bilang para sa 2023-2024 season.

Ayon kay Horst, isa si Middleton sa mga naging susi ng Bucks Championship noong 2021 at napakahalaga ng kanyang posisyon sa championship core ng Bucks.

Maaari namang maisakatuparan ito ng Bucks, kung gugustuhin ni Middleton na manatili pa rin sa koponan, sa tiyak na mas mataas na kontrata.

Sa katatapos na season, si Middleton ay may average na 15.1ppg, 4.9apg, at 4.2rpg sa loob ng 33 games na kanyang inilaro.

Hindi ito nakapaglaro sa loob ng 20 games dahil sa kanyang naging injury sa kamay habang kinailangan nitong magpahinga sa loob ng 18 games, dahil sa pananakit ng tuhod.

Naging bahagi ito ng championship run ng Milwaukee noong 2021 nang hinarap nila ang Phoenix Suns, kasama sina Giannis Antetokounmpo, Brook Lopez, at Jrue Holiday. Nitong nakalipas na taon, hindi nagawa ng Bucks na makausad sa 2nd Playoffs Elimination, matapos silang pataubin ng Eastern Conference Champion na Miami Heat.