-- Advertisements --

Dinukot ng mga armadong suspek ang 39 na mga kabataan na nagtatrabaho sa isang bukirin sa northwest Nigeria.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, lumusob bigla ang mga armadong suspek na lulan ng motorsiklo sa labas ng Mairuwa villagae sa Faskari district ng Katsina state.

Aabot sa 39 mga bata ang kanilang dinukot habang nag-aani ng mga pananim.

Kadalasan ay humihingi ang mga suspek ng ransom para mapalaya ang mga dinukot nilang mga biktima.

Hinihintay pa ng mga otoridad ang pakikipag-ugnayan ng mga suspek para sa pagpapalaya sa mga biktima.