CAGAYAN DE ORO CITY (update) – Emosyonal ang aabot sa 40 o katumbas ng 143 indibidwal matapos matupok ang kanilang bahay sa bahagi ng Zone 1 Buara, Brgy Bayabas, nitong lungsod, kagabi
Dahil didto umapela ng tulong sa Bombo Radyo Cagayn de Oro ang mga nasunugan.
Kabilang sa kanilang idinaing ay ang pansamantalang matutuluyan, mga gamit sa muling pagpapatayo ng kanilang bahay, pagkain ng kanilang mga anak, damit at tila bumagsak ang kanilang pag-asa nang dahil sa insidente.
Sinabi naman ni Brgy Kapitan Eddie Abrogar na hindi nila pababayaan ang mga nasunugan at kaagad silang namigay ng pagkain, at mga damit.
Sa panayam naman ng himpilan kay Senior Fire Officer 3 Sam Lawrence Velarde, inihayag nitong umabot sa dalawampung bahay ang nasunog kung saan, under investigation pa kung saan nagmula ang apoy.
Umabot sa 3rd alarm ang sunog at nasa P2-million ang estimated na danyos.