-- Advertisements --
Nasa kabuuang 370 Filipinos na ang natulungan ng pamahalaan para makauwi sa Pilipinas mula nang magsimulang lusubin ng Russia ang Ukraine.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola, sa kabuuang bilang nasa 286 Filipinos ang na-repatriate at 84 Pinoy naman ang na-evacuate o nasa labas na ng Ukraine.
Sinabi ni Arriola na nasa 24 na Pinoy naman ang aasahang dadating pa sa bansa.
Patuloy naman ang malalakas na pagsabog ngayon sa Kyiv kahit na itutuloy na raw ang pag-uusap ng Ukraine at Russia.