-- Advertisements --
Nakapagtala ng 37 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa mga Pilipinong nasa ibang bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 2,397 ang kabuuang bilang ng Pinoy overseas na infected ng worldwide pandemic na virus.
Ayon sa DFA, may 1,294 na sumasailalim sa treatment. May 826 nang gumaling, habang 277 ang namatay.
Naitala ang mga kaso ng mga Pinoy na may COVID-19 sa 46 na bansa at rehiyon.
Pinaka-marami ang mula sa Asia-Pacific countries, Europe, Middle East, Africe at rehiyon ng Amerika.