-- Advertisements --
image 48

Muling akapagtala ang Department of Health (DOH) ng 368 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Umabot na sa 4,082,936 ang kaso sa buong bansa mula nang magsimula ang pandemya.

Ang tally ng aktibong kaso ay tumaas ng 210 impeksyon sa 9,330.

Gayunpaman, sinabi ng DOH na ang kamakailang pagtaas ng mga kaso ay nananatiling “insignificant” at hindi dapat maging dahilan upang limitahan ng mga nabakunahang Pilipino ang kanilang paggalaw.

Hindi bababa sa 139 na bagong mga pasyente ang naka-recover mula sa viral disease, kaya umabot na sa 4,007,203 ang recovery tally ng bansa.

Samantala, tumaas din ang death tally sa 66,403 na may pitong bagong pagkamatay.

Sa nakalipas na dalawang linggo, ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na bilang ng mga impeksyon na may 1,005.

Sinundan ito ng Davao Region na may 385, Northern Mindanao na may 360, Calabarzon na may 317, at Central Visayas na may 162.