-- Advertisements --

Tinatayang nasa 36,000 indibidwal ang nagkaroon ng close contact sa COVID-19 patients, batay sa datos ng Department of Health (DOH).

“There were 36,271 who were in close contact with COVID-19 confirmed cases in the country, across different accomplishment percentages po ito,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

Ang bilang na ito raw ay bunga ng contact tracing ng pamahalaan.

Katuwang ng DOH ang local government units, mga pulis at barangay health emergency teams sa ginawang hakbang.

“Iyong iba po, 100% na, meaning natignan na, napuntahan na. Pero mayroon pang mga kailangang i-trace.”

Sa tulong ng contact tracing, natukoy din daw ang clustered cases sa Cebu at Zamboanga.

“Katulad po ito noong nakita natin sa Greenhills saka iyong sabungan po sa Davao.”