-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Nakatanggap ng cash assistance mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang 36 na sumukong miyembro ng New People’s Army (NPA).
Ayon kay 1st Lt Jessie Hinampas, tagapasalita ng 73rd IB Phil. Army, ibinigay ng DOLE-XI ang ayuda sa mga sumukong NPA member sa isang headquarters sa Barangay Feliz, Malita Davao Occidental.
Tig-P3,960 ang natanggap na cash assistance ng bawat isa sa mga sumukong rebelde.
Lubos na ikinatuwa naman ng mga ito ang cash assistance na ibinigay sa kanila dahil napagtanto nila na hindi naman pala sila pinapabayaan ng gobyerno.
Samantala, nanawagan naman sila sa mga kapwa rebelde na magbalik loob na sa pamahalaan at sumuko na rin.