-- Advertisements --

Patay ang nasa 36 katao habang 50 iba pa ang naospital dahil sa pag-inom ng kontaminadong alcoho sa India.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad na nakainom ng iligal na alak na ginawa ng ilang residente ng Botad at Ahmedabad ang lahat ng mga biktima.

Nakaaresto na rin ang mga otoridad ng 10 katao na siyang nasa likod ng paggawa ng kontaminadong alak.

Nakuhanan ang mga suspek ng 475 litro ng pinaniniwalaang alak.

isa sa mga suspek ang umamin na nagnakaw ito ng methanol mula sa factory sa Gujarata at ibinenta sa isang kaanak.

Nagiging sikat ang mga alak na iniimbento sa mga lugar na may hirap na pamumuhay.