Naipadala na ng Department of Agriculture at National Food Authority ang nasa 35,000 bags ng bigas patungo sa bahagi ng Central Visayas na nagmula naman sa Mindoro.
Mismong si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang nanguna sa send-off ceremony ng nasabing bilang ng bigas mula sa NFA.
Ang hakbang na ito ay bilang bahagi ng pilot implementation ng P20 rice program sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bahagi rin ito ng nasa 100 libo na 50-kilo bags na request o inorder ni Cebu Governor Gwen Garcia na nakatakda namang ipamahagi sa kanilang mga residente.
Una nang naipadala ang 35,000 bags ng bigas tatlong linggo na ang nakakalipas kung saan ito ay kabilang sa unang batch.
Nakipag-kita naman si Sec. Teodoro sa mga lokal na magsasaka na piniling maghintay sa muling pamimili ng NFA ng mga aning palay sa mas makaturangang presyo nito.
Maaaring ibenta ng mga magsasaka ang kanilang ani sa NFA sa halagang P18 para sa sariwang palay at P24 per kilo para sa tuyong palay .
Mas mataas ito kumpara sa presyo ng mga pribadong trader na umaabot lamang sa P13.50 hanggang P18 per kilo.