-- Advertisements --
Nasa 33 katao ang nasugatan matapos tumaglid ang sinasakyan nilang cargo van sa bayan ng Infanta, Quezon nitong Sabado.
Ayon sa Infanta Police, sakay ng van ang mga empleyado ng isang construction service company at kanilang mga pamilya, na papuntang Real, Quezon mula sa Antipolo para sana sa isang outing.
Batay sa inisyal na report, nawalan umano ng kontrol ang driver ng van habang dumadaan sa pakurbada at pababang bahagi ng highway sa Sitio Pinlac, Barangay Magsaysay.
Nasa apat na pasahero, kabilang ang isang menor de edad, ang nagtamo ng serious injuries habang ang iba’y minor injures lamang.
Kaagad naman na isinusugo sa Infanta Hospital ang mga biktima.