-- Advertisements --

Nakumpleto na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbubukas sa 31 ruta ng mga city buses, kasabay ng pagsisimula ng Phase 2 sa pagbabalik operasyon ng mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila.

Nitong umaga nang buksan ng ahensya ang Route 10 na biyaheng Cubao-Doroteo Jose.

Ayon sa LTFRB, bahagi pa rin ito ng calibrated o dahan-dahan nilang pagbabalik operasyon sa mga public transportation, alinsundo sa utos ng Inter-Agency Task Force.

Kahit sakop ng Phase 2 ang city buses, binuksan na ng ahensya ang halos lahat ng ruta nito kasabay ng Phase 1 noong June 1. Kabilang sa mga ito ang:

  1. Portion of Route E (EDSA Carousel) *to augment MRT-3/partial operational
  2. Route 1 (Monumento-Balagtas)
  3. Route 2 (Monumento – PITX)
  4. Route 3 (Monumento-Valenzuela Gateway Complex)
  5. Route 4 (North EDSA-Fairview)
  6. Route 5 (Quezon Avenue-Angat)
  7. Route 6 (Quezon Ave.-EDSA Taft Ave.)
  8. Route 7 (Quezon Avenue-Montalban)
  9. Route 8 (Cubao-Montalban)
  10. Route 9 (Cubao-Antipolo) *to augment LRT-2Route 11 (Gilmore-Taytay)
  11. Route 12 (Kalentong-Pasig)
  12. Route 13 (Buendia-BGC)
  13. Route 14 (Ayala-Alabang)
  14. Route 15 (Ayala-Biñan)
  15. Route 16 (Ayala Ave.-FTI)
  16. Route 17 (Monumento-EDSA Taft) *to augment LRT-1
  17. Route 18 (PITX-NAIA Loop)
  18. Route 19 (North EDSA-BGC)
  19. Route 20 (Monumento-Meycauayan)
  20. Route 21 (Monumento-San Jose Del Monte)
  21. Route 22 (Monumento-Angat)
  22. Route 23 (PITX-Sucat)
  23. Route 24 (PITX-Alabang)
  24. Route 25 (BGC-Alabang)
  25. Route 26 (PITX-Naic)
  26. Route 27 (PITX-Trece Martires)
  27. Route 28 (PITX-Dasmariñas)
  28. Route 29 (PITX – General Mariano Alvarez)
  29. Route 30 (PITX-Cavite City)

Ipinaalala naman ng LTFRB na sa ilalim ng isang memorandum circular ay dapat ipatupad ng mga operators ang minimum health protocols sa mga pampublikong sasakyan.

Hakbang ito para maiwasan ang pagkalat ng pandemic na COVID-19.