-- Advertisements --
Pinoy in Public MRT Street Filipino walking Christian Yosores

Naniniwala ang nasa 31% ng mga Pilipino na lumala pa ang kalidad ng pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan o isang taon.

Base ito sa lumabas na survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) mula noong Hunyo 26 hanggang 29 sa 1,500 adults, tig-300 respondents mula sa Metro Manila, Visayas, atMindanao, at 600 sa Balance Luzon.

Nabatid din sa naturang survey na nasa 29% mula sa mga respondent ang nagsabing bumuti ang kalidad ng kanilang pamumuhay habang nasa 39% ang naniniwalang walang pagbabago ang kalidad ng kanilang pamumuhay.

Ito ay katumbas ng -2 Net Gainer score na classified bilang “fair” ng SWS na kapareho naman noong April 2022.

Ayon sa SWS ang steady national Net Gainer score sa pagitan ng April 2022 at June 2022 ay dahil sa pagtaas ng kalidad ng pamumuhay sa Metro Manila at Luzon at pagbaba naman sa Mindanao at Visayas.

Ito ay mas mababa naman ng 20 points sa pre-pandemic level na ‘very high’ +18 na naitala noong Disyembre ng taong 2019.