-- Advertisements --
Kinumpirma ni Israeli chief military spokesperson Rear Admiral Daniel Hagari na idineklarang patay na ang 31 mula sa mahigit 100 natitirang mga bihag ng militanteng Hamas sa Gaza.
Sinabi ng opisyal sa isang regular media briefing na ipinaalam na nila sa pamilya ng nasawing 31 bihag ang malagim na sinapit ng mga ito.
Batay sa Israel, kasalukuyang nasa 136 katao ang bihag ng Hamas sa Gaza.
Sa ngayon hindi pa malinaw ang dahilan ng pagkamatay ng nasabing mga bihag.
Una ng inihayag ng Hamas na napatay ang ilan sa mga bihag dahil sa pambobomba ng Israel forces sa Gaza sa gitna ng ginagawang ground operations para lansagin ang kuta ng mga ito.