-- Advertisements --

Kinumpirma ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mayroong isang Pinoy sa Singapore ang tinamaan ng monkeypox.

Sinabi ni DFA spokesperson Teresita Daza, ang naturang Pilipino raw ay 31-anyos.

Ayon naman sa Singapore Ministry of Health (MOH) sa kanilang monkeypox local situation report, nagpositibo raw ang Pilipino ng monkeypox virus noong July 25.

Una umanong nagkaroon ng fever ang pasyente noong Hulyo 21 bago magkaroon ng rashers sa kanyang mukha at katawan.

Agad naman umano siyang nagpakonsulta sa Singapore General Hospital noong July 24 at agad ding na-admit sa parehong araw.

Patuloy naman daw ang contact tracing ng Singapore MOH sa nakasalamuha ng pasyente.

Kung maalala, noong Biyernes nang ianunsiyo ng Deaprtment of Healht (DoH) na naitala ang kauna-unahang kaso ng monkeypox sa bansa mula sa 31-year-old na Pilipino.

Mayroon daw itong travel record sa mga bansang mayroong documented monkeypox cases.