-- Advertisements --

LAOAG CITY – Ipinaalam ni Dr. Rogelio Balbag, chief of Hospital ng Governor Roque Ablan Senior Memorial Hospital sa lungsod ng Laoag na mayroong 31 pasyente na nanatili sa mga government hospital sa Ilocos Norte matapos madapuan ng sakit na dengue.

Sinabi ni Balbag na mula sa nasabing bilang ay siyam na pasyente ang nanatili sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center (MMMHMC) sa lungsod ng Batac.

Aniya may 13 sa GRASMH, tatlo sa Doña Josefa Edralin hospital sa bayan ng Marcos, isa sa Dingras District hospital habang lima naman sa Bangui Disrict Hospital.

Una rito, ipinaalam ni Balbag na simula Enero, 395 na kaso ng dengue ang naitala sa probinsya at isa ang namatay.

Naniniwala ang doktor na ang dahilan ng mabilis na pagtaas ng kaso nag dengue ay ang pagbabago ng panahon at tag-ulan.

Samantala, sinabi ni Balbag na kahit hindi pa nakaalarma ang sitwasyon ng dengue sa probinsya ay kailangan na sundin ng publiko ang iba’t-ibang hakban hingil sa pag-iwas ng dengue virus.