Aabot sa 3,050 ang bagong COVID-19 infections ng Pilipinas ngayong araw ng Linggo, pinakamababa para sa ngayong taon, base sa datos mula sa Department of Health (DOH).
Ayon sa DOH, dahil sa naturang bilang ng bagong COVID-19 cases, umakyat ang total case cound ng bansa sa 3,637,280, hindi pa kasama ang datos mula sa dalawang laboratoryo na bigong makapagsumite on time.
Bumaba naman ang active cases sa 81,394, kung saan 4,546 dito ay mga asymptomatic, 71,994 ang mild, 1,460 ang severe, at 326 naman ang critical condition.
Nakasaad din sa report na ito ng DOH na walang nadagdag sa death toll dahil nagkaroon ng technical issues sa pag-extract ng datos mula sa COVIDKaya.
Kaya naman sa ngayon ay nananatili pa rin ang death oll sa 54,930.
Samantala, ang total recoveries naman ay umakyat na sa 3,500,956 makalipas na 5,811 pang pasyente ang gumaling sa sakit.