-- Advertisements --

Nagkaloob ng 30,000 face mask ang Philippine Chinese Chamber of Commerce & Industry, Inc. (PCCCII) para sa mga nangangailangan nito.

Itinurn-over ang naturang mga mask kaninang alas-10:00 ng umaga kay Senate committee on foreign relations chairman Sen. Koko Pimentel sa gusali ng Senado.

Ang pagbibigay ng mask ay ginawa sa harap na rin ng kakapusan ng supply nito sa merkado.

Sa nakalipas na mga araw, wala na halos mabiling N95 at surgical mask sa mga botika sa malaking bahagi ng ating bansa.

Ipagkakaloob ang mga ito sa frontliners ng mga tanggapan na humaharap sa dumarating na mga tao para sa iba’t-ibang concern.