-- Advertisements --
LAOAG CITY – Hindi natinag ng malakas na buhos ng ulan ang “Brocastreeing Activity” ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) sa Ilocos Norte.
Kabilang sa mga nakibahagi sa naturang tree planting ang kawani ng Bombo Radyo Laoag at mga mamamahayag sa lalawigan.
Aabot sa 3,000 mangrove trees ang naitanim sa naturang tree planting sa bayan ng Pasuquin.
Masaya at lubos rin ang pasasalamat ni Brg. Davila chairwoman Elviro Agoo na ang kanilang barangay ang laging napipili tuwing may gaganaping tree planting activity ang organisasyon.
Ayon kay Cely Paz, presidente ng KBP-Ilocos Norte Chapter, malaking tulong kapag lumaki na ang mga naitanim sa mga residente lalong-lalo na kapag may bagyo at lumaki ang tubig.