-- Advertisements --

Pinagtibay ng 30 Metro Manila congressmen ay nagkaisa upang ipagtanggol si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez laban sa mga walang basehan na alegasyon ng mga Senador.

Sumiklab ang “word war” ng Senado at Kamara dahil sa isyu ng Peoples Initiative na nagsusulong ng Charter Change o Cha-Cha.

Isang “Statement of Solidarity” ang inilabas at pinirmahan ng mga kongresista mula sa Kalakhang Maynila para kay Romualdez na tinawag nilang “Speaker for All, at Speaker of the Nation.”

Kabilang dito sina Caloocan City Rep. Oscar Malapitan, Las Pinas Rep. Camille Villar, Pasig Rep. Roman Romulo, Manila Rep. Benny Abante, Marikina Rep. Stella Quimbo, Navotas Rep. Toby Tiangco, Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales Jr, Makati Rep. Luis Campos at iba pa.

Kinondena ng mga mambabatas ang mga tangkang magsulong ng “disunity” o pagkaka-watak-watak sa ating bansa.

Panawagan ng Metro Manila solons, irespeto ang posisyon ng isa’t isa, lalo na ang boses at karapatan ng taumbayan.

Pinuri naman ng mga naturang komgresista ang Liderato ng Kamara dahil sa pakikinig at pagtulong sa mga jeepney driver at operators na apektado ng PUV modernization program, at pagsusulong ng mas mataas na diskwento at malawak na benepisyo para sa senior citizens at person with disabilities o PWDS.

Samantala, nasa kabuuang 25 local leaders ng Surigao del Norte ang lumagda sa isang manifesto ng pagsuporta kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Ito ay may kaugnayan sa mga banat laban kay Speaker Romualdez.

Pinangunahan ito ni Surigao del Norte Rep. Francisco “Bingo” Matugas at Atty. Francisco Matugas, dating gobernadora at dating mambababatas 1st District of Surigao del Norte, ang paglagda ng suporta sa kasalukuyang pinuno ng Kamara.

Kabilang sa mga lumagda sa manifesto ang pitong Board Members, 10 alkalde at anim na konsehal.

Lumagda rin ng kanilang pagsuporta sina Rep. Bingo Matugas kasama ang pitong Board Members ng Surigao del Norte at ang anim na konsehal ng Surigao City.