Sinisiyasat na ng Electoral Contests and Adjudication Department ng Commission on Elections (Comelec) ang natanggap nitong 30 kaso ng election protest.
Ayon kay Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco, lahat ng mga kaso na ito may kaugnayan sa election ay docketed na at kasalukuyang sinisiyasat alinsunod sa rules of procedures.
Nang tanungin naman si Laudianco kung anong mga posisyon ang sangkot sa mga election protests. paliwanag ng opisyal na ang hurisdiksyon ng departamento ng poll body na humahawak sa naturang mga kaso ay ang mga posisyon sa mga iyudad, provincial at regional positions.
Samantala, sinimulan na ng Comelc ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato sa local elections noong May 10 isang araw matapos ang ginanap na general elections sa bansa.
Para sa national elections, naiproklama na nitong May 18 ang mga nananlong Senador habang ang canvassing namn ng mga boto para sa President at Vice president ay sinimulan ngayong araw sa Kamara.
Target naman na maiproklama ang mga mananalong party-list group ngayong linggo kapag natapos ang transmission ng mg boto mula sa 12 barangay sa Tubaran , Lanao del Sur.










