-- Advertisements --
Nasa 30 kabahayan at mahigit 50 pamilya ang naapektuhan sa naganap na sunog sa isang residential area sa lungsod ng Pasay, nitong Huwebes ng gabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) na nagsimula ang sunog dakong ala-siyete ng gabi sa Dimasalang St. Barangay 113.
Umabot pa sa ikalawang alarma ang sunog at ito ay nakontrol matapos ang mahigit dalawang oras.
Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng pinagmulan ng nasbing sunog habang ang mga nasunugan pamilya ay nagpalipas ng gabi sa covered basketball court.