zimbabwe 1
Producer and radio and television host Zororo Makamba

Nagluluksa ang bansang Zimbabwe sa unang casualty nila dahil sa deadly virus.

Kinilala ang namatay sa coronavirus na si Zororo Makamba, isang sikat na television journalist sa naturang bansa.

Hinihinalang nakuha ng 30-anyos na si Makamba ang virus sa kanyang pagbisita sa New York at bumalik sa Zimbabwe noong March 9.

Dito na siya nakitaan ng mild flu-like symptoms at habang nasa ospital ay lumalala ito hanggang sa magkaroon siya ng severe respiratory distress.

Noong nakaraang taon lamang ang nasabing broadcaster ay tinanggalan ng tumor matapos ang surgery dahil sa rare condition na tinatawag na Myasthenia gravis o isang chronic, neuromuscular illness.

Samantala, agad namang nagpaabot nang pakikiramay ang information minister ng Zimbabwe na si Monica Mutsvangwa at “shock” umano sila sa malungkot na balita.