-- Advertisements --

Sugatan ang tatlong katao matapos ang naganap na dalawang magkahiwalay na pagsabog sa Isabela City, Basilan.

Unang naganap ang pagsabog dakong ala-sais ng gabi sa Barangay Isabela City Proper.

Matapos ang mahigit 30 minuto ay isang pagsabog naman ang yumanig sa isang bus terminal.

Ayons a Isabela City risk reduction and management office na isang babaeng tindera at dalawang security guard.

Dinala sa mga pagamutan ang mga sugatang biktima.

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naganap na insidente ng pagsabog.