Arestado ang tatlong security guard matapos mahuli sa aktong nagnanakaw ng mga relief goods sa mismong evacuation center sa Batangas Provincial Sports Complex sa Brgy. Sta. Rita, Batangas City.

Kinilala ni Batangas Police Provincial Director Col. Edwin Quilates ang mga suspek na sina Junel Romano, 21-anyos at residente ng Calicanto, Batangas City; Johnson Rey Manimtim, 29-anyos at si Junito MaƱabo, 32-anyos residente ng Brgy. Tingga Labac.

Batay sa imbestigasyon, ala-6:00 ng umaga kanina nang tangayin ng tatlo ang dalawang kahon o nasa 127 piraso ng instant noodles na nagkakahalaga ng P1,905.00 ; isang kahon o nasa 74 lata ng sardinas, 19 piraso ng cup noodles, 12 plastic ng bigas at 15 piraso ng mga donasyong damit.

Sasampahan ng kasong qualified theft ang mga suspek matapos umabot sa kabuuang P6,000 halaga ng mga relief goods ang ninakaw ng mga suspeks.