-- Advertisements --
covid 19 1 2

Lomobo sa mahigit 20 % ang covid-19 positivity rate o porsyento ng nagpopositibong indibidwal mula sa nasuri sa sakit sa tatlong probinsiya sa bansa.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nasa 2.1% ang positivity rae sa Camarines Sur, 22.7% sa Misamis Oriental at 20.2% sa Rizal.

Kaugnay nito, pinapayuhan ang nasabing probinsiya na nakapagtala ng mataas na positivity rate ng mahigit 20% na gumawa ng angkop na pagiingat para mapigilan ang covid-19 infection.

Iniulat din ni Dr David na ang positivity rate sa Metro Manila ay bahagyang sumipa sa 7.2% noong nagdaang Abril 15.

Una ng itinakda ng World Healt Organization ang 5% na benchmark sa covid-19 positivity rate para matiyak na nakokontrol ang hawaan sa sakit.