-- Advertisements --

Tatlo ang patay habang sugatan ang ang daalang driver matapos sumalpok sa forward truck ang isang pick-up truck sa crossing Bentung Sulit, Polomolok South Cotabato.

Ayon kay Police Lt. Sherwin Cervera, deputy chief ng Polomolok Municipal Police station na pauwi na ang forward truck galing sa poblacion Polomolok ang forward truck na maneho ni Paquito Costan ng Barangay Sulit Polomolok ng sa pagkaliwa nito biglang sumalpok sa gilid nito ang pick up truck na maneho ni Alex Badilla na residente ng Arakan North Cotabato.

Dahil sa lakas ng impact tumagilid ang forward truck at pagkawasak ng unahan ng pick-up.

Kagaad namang dinala sa pagamutan ang mga sakay nito na sina Emily Badilla, Shirley Badilla Lagos, Ailene Valencia at Lorlyn Olila pawang mga residente ng Arakan, North Cotabato.

Mula umano sa direksyon ng Koronadal City ang pick-up at papuntang Gensan ng nangyari ang insidente pasado ala 3 pm kahapon.

Hindi umano nakita ang pagliko ng forward truck at dahil sa lakas ng takbo hindi napigilan ang sasakyanan sa pagsalpotk nito. Dahil sa mga sugat na natamo namatay ang tatlong sakay ng pick-up.

Ayon sa Pulisya na makonsidera na accident prone area ang nasabing lugar dahil pababa na ang daan bago makaabut ng poblacion polomolok.