-- Advertisements --

Patay ang tatlong katao matapos ang pagsabog at sunog na naganap sa underground at hydroelectric power plant sa northern Italy.

Ayon sa Italian utility group na Enel ENELMI naganap ang sunog sa isa sa kanilang transformers ng hydro power plant na matatagpuan sa Bargi.

Sinabi naman ni Camuganano Mayor Marco Masinara na mayroong apat na iba pa ang kasalukuyang pinaghahanap matapos ang insidente.

Nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nasabing insidente.