-- Advertisements --
Patay ang tatlong katao matapos na mabagsakan ng bahagi ng makasaysayang pader sa Old City ng Kairouan sa bansang Tunisia.
Ayon sa mga otoridad na bumigay ang 30 metro na section na malapit sa Gate of Floggers.
Dinala naman sa pagamutan ang dalawang iba pa na nagtamo ng sugat.
Itinuturong dahilan ng pagguho ng pader ay ang nagdaang malalakas na pag-ulan.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa insidente.