-- Advertisements --

Patay ang tatlong katao dahil sa naganap na pamamaril sa central Paris.

Naaresto naman ang 69-anyos na suspek kung saan sa imbestigasyon ay kakalaya lamang nito sa kulungan.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad ay tinarget ng suspek ang Kurdish community center at restaurant.

Mayroong tatlong iba pa ang nasugatan na itinakbo na ang mga ito sa pagamutan.

Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na isang uri ng racism ang motibo ng suspek.

Itinuturo naman ni Paris Mayor Anne Hidalgo na kagagawan ng “far right activist” ang nasabing suspek.