-- Advertisements --

Nasa tatlong katao na ang nasawi matapos na tamaan ng missile mula sa Russia ang Zaporizhzhia, Ukraine.

Ayon sa mga otoridad na mayroong pitong missiles ang tumama sa mga residential area ng lungsod.

Sinabi naman ni Oleksandr Starukh,ang governor ng Zaporizhzhia region na maraming mga tao pa ang na-trap sa lugar.

Patuloy pa rin ang ginagawang pag-rescue ng mga otoridad sa mga biktima na karamihan sa kanila ay natutulog habang tumama ang missile.