BUTUAN CITY – Tatlong katao ang agarang nasawi sa ginagawa nilang tunnel para sana sa small-scale mining sa Barangay Sta. Theresa, bayan ng Loreto sa Agusan del Sur.
Nakilala ang mga namatay na sina Dennis Distor Pegaredo, 27-anyos; Kenneth Kier Daquis Mayuga, 18; at 15-anyos na lalaking pawang mga residente ng nasabing lugar.
Lumabas sa inisyal ng imbestigasyon ng pulisya na habang nasa tinatayang 70 talampakan na ang lalim nang nahukay ni Pegaredo nang biglang may sumingaw na amoy kung kaya humingi ito ng saklolo.
Kaagad naman itong nirespondehan ng kasamahang si Kenneth at dahil hindi na nakalabas ang dalawa, kung kaya pumasok naman ang 15-anyos na binatilyo na posibleng nalunod sa tubig sa loob ng tunnel.
Ilang oras pa ang lumipas bago naiahon ang mga biktima at dinala sa Loreto District Hospital na pare-parehong idineklarang dead on arrival ng attending physician