-- Advertisements --
Patay ang tatlong magkakamag-anak matapos na hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay sa San Isidro Street, Malate, Manila.
Dakong 6:18 ng gabi nitong Huwebes ng sumiklab ang sunog kung saan itinaas sa ikalawang alarma nitong 6:36.
Tuluyang naapula ng Bureau of Fire Protection ang sunog dakong 7:04 ng gabi.
Dalawa sa biktima ay nasa hustong edad habang isa ang menor de edad.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.