NAGA CITY – Patay ang tatlong katao habang sugatan naman ang tatlong iba sa magkahiwalay na aksidente sa Camarines Sur na may kaugnayan sa paglabag sa pinapatupad na protocols sa general community quarantine (GCQ).
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Police Staff Sgt. Emyrose Organis, tagapagsalita ng Libmanan-PNP, nabatid na bagamat ipinagbabawal ang angkas sa mga motorsiklo ngunit nakalusot parin ang driver na si Sandy Frondozo kasama ang dalawang backrider nito.
Kaugnay nito, aksidenteng nakabangga sa isang puno ang motorsiklo na nauwi sa pagkamatay ng isa sa mga backrider habang sugatan naman ang driver at isa pang pasahero nito.
Samantala, sa Brgy. Antipolo, Minalabac naman, patay din ang driver at backrider ng isang motorsiklo habang sugatan naman ang isa pang pasahero matapos makabangga rin sa nakaparadang 10 wheeler truck.
Sa ngayon, mahigpit naman ang paalala ng mga otoridad na sumunod sa mga protocols na pinapatupad sa ilalim ng GCQ.