DAVAO CITY – Nagpalabas agad ng kautusan si PB Gen Banjamin Silo, Jr. ng kautusan para sa isasagawang region-wide verification patungkol sa naging pahayag ni Senator Leila M. De Lima na may na-missing na mga peace consultants na binihag umano sa iba pang insidente sa Davao del Norte ngayong buwan lamang sa Marso.
Sinasabing ang grupo ni Ezequiel Daguman ang na-missing noong Marso 7, 2022 habang bumisita sa banana plantations sa New Corella, Davao Del Norte.
Dahil dito inutusan ng opisyal si Davao del Norte Police Provincial Office (DNPPO) Provincial Director, Pcol. Antonio Alberio Jr., DNNPO Provincial Director na paimbestigahan sa mga hepe ng otoridad na sakop sa kanyang area lalo na sa New Corella MPS na i-validate ang nasabing report ngunit lumabas na negatibo kini.
Kinumpirma rin ng opisyal na bumisita ang Commission of Human Rights 11 sa New Corella Municipal Police Station para magsagawa ng imbestigasyon patungkol sa nasabing report.
Ngunit base sa blotter book at iba pang mga dokumento, wala umanong naitalang missing persons sa New Corella, Davao Del Norte mula Marso 1 hanggang 28 nitong taon.
Hanggang sa lumabas ang impormasyon na isang Ezequil Cortez Daguman alias Rey/Ry ang napatay sa engkuwentro sa nangyaring engkuwentro sa pagitan nga mga miyembro ng 10th ID sa Brgy. Tupaz, Maragusan, Davao de Oro sa nakaraang araw kung saa narekobber sa kanyang posisyon ang mga high powered firearms.
Una ng nakilala ng militar si Ezequil na isang miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) Central Committee at Deputy Secretary sa Regional Operations Command sa Southern Mindanao Regional Committee (ROC-SMRC).
Mayroon rin umanong record ng warrant arrest na kinabibilangan ng serious illegal detention, double murder robbery with violence serious illegal detention at murder na inilabas ng 11th at 12th Judicial Region Brach 10,11,30,23, at 14.










