-- Advertisements --

Plano umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa nalalabing tatlong taon sa termino ay palalawakin din ang pakikipag-ugnayan sa iba pang “non-traditional allies” gaya ng Latin America, Africa at Central Asia.

Sa kanyang pagharap sa Valdai Forum, sinabi ni Pangulong Duterte na panahon na rin para baguhin ang pagtingin ng Pilipinas sa Middle East hindi lamang bilang supplier ng langis at deployment ng Overseas Filipino Workers.

Ayon kay Pangulong Duterte, bilang isa sa pinakamabilis na umuunlad na ekonomiya sa mundo, babalikatin ng Pilipinas ang responsibilidad na tiyakin ang paglago ng kabuhayan ng mga Pilipino at pag-alalay sa ibang developing countries sa kanilang pagprogreso.

“In the remaining three years of my term, we will likewise expand the horizon of Philippine diplomacy by deepening our engagement in Latin America, Africa, and Central Asia,” ani Pangulong Duterte.

“It is also high time that the Philippines looked at the Middle East with fresh eyes going beyond oil and Overseas Filipino Workers.”

Nais din daw ni Pangulong Duterte na palawakin ng mga Pilipino ang kanilang pananaw sa buong mundo, mapagyaman sa mga kultura at intellectual traditions ng mga lumang sibilisasyon ng Americas, Africa, Central Asia at Middle East.