-- Advertisements --

NAGA CITY – Sa kabila ng mas pinahigpit na kampanya at pagbabantay ng mga otoridad, apat na katao pa rin ang naitalang sugatan matapos tamaan ng paputok kasabay ng pagsalubong sa Bagong Taon sa Naga City at Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Bicol Medical Center, tatlo sa apat na biktima ang pawang menor de edad na nasa 11, 12 at 16-anyos, na mula sa mga bayan ng Canaman at Minalabac.

Sa Naga City, isang katao ang itinakbo sa naturang ospital na residente ng Barangay Cararayan matapos tamaan ng kwitis.

Kahapon, ilang oras bago ang taong 2020, isa ang unang nasugatan sa Iriga City matapos tamaan naman ng boga.

Samantala, ilang mga nagtitinda ng paputok ang nasita ng kapulisan matapos mahuling nagbebenta sa labas ng designated area sa Lungsod ng Naga.