CAGAYAN DE ORO CITY – Tinukoy ng Bureau of Fire Protection (BFP) na ang sumabog na electronic charger ang isa sa mga maaring dahilan pagsiklab ng apoy na nag-resulta pagkasunog-patay ng tatlong menor de edad na magkakapatid sa Barangay Poblacion,Kalilangan,Bukidnon.
Batay ito sa inisyal na imbestigasyon ng BFP Kalilangan Fire Station na nag-responde,nagsimula ang sunog sa pangalawang palapag ng residential house kung saan nakatira ang pamilyang Reyes bilang caretaker sa lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo,sinabi ni Kalilangan Fire Station commander Senior Officer 2 Anthony Salinas na parehong bagong ligo ang mga biktima ng kanilang ina nang pagkalipas ng ilang minuto ay pumutok ang tinukoy na charger at sumunod na ang mabilis na pagliyab ng apoy.
Tinangka pa sana iligtas ng ina ang mga bata subalit dahil sa sobrang laki ng sunog ay tuluyang nilamon ng apoy ang mga biktima.
Narekober ng fire fighters ang mga magkapatid sa magka-trianggulo na direksyon na ayon sa kanila ay kanya-kanyang ligtas ng sarili upang makaiwas sana sa sunog.
Bagamat hindi lumayo sa suspected electrical related ang sanhi na sunog subalit patuloy pa na nilalaliman ang imbestigsayon na nagtala lang ng estimated structural damage na P180,000 noong Huwebes ng tanghali,Marso 7, 2024.