-- Advertisements --
BuCor Chief Bantag

Kasabay ng pagbisita ng bagong talagang Bureau of Corrections (BuCor) chief na si Gerald Bantag sa Department of Justice (DoJ), agad umanong nagbigay si Justice Sec. Menardo Guevarra ng direktiba sa opisyal.

Ayon Kay Guevarra, mahigpit niyang pinatututukan kay Bantag ang tatlong isyu kapag umupo na ito sa puwesto.

Una rito ang paglinis sa nangyaring iskandalo dahil sa good conduct time allowance (GCTA) Law.

Pangalawa ang pagtutok ng opisyal sa full computerization ng BuCor at panghuli ay ang pagpapatigil sa kalakaran ng iligal na droga sa loob ng piitan.

Ginawa ni Guevarra ang kautusan matapos magkita ang dalawa sa unang pagkakataon kaninang umaga nang dumalaw si Bantag sa opisina ng kalihim.

Kahapon nang pormal nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bantah bilang bagong BuCor chief kapalit ng nasibak na si Nicanor Faeldon dahil sa mga isyu sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) partikular ang maanomalyang pagpapatupad ng GCTA Law.