Patong-patong na kaso ang isinampa ng Bureau of Customs (BoC) sa pamamagitan ng kanilang Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS) laban sa tatlong importers na sinasabing nag-misdeclare at nagsagawa ng illegal importation ng mga ipinagbabawal na kargamento.
Ang unang kaso ay isinampa laban sa Akiza One Six Eight Eight Eight Trading dahil sa iligal na importation at misdeclaration ng 100 sako ng mga nangamit nang mga damit, 450 sako at 150 karton ng magkakahalong fabrics at swatches.
Ayon sa BATAS, idineklara raw ng consignee ang shipment na mga nagamit nang surplus furniture at kitchenware.
Naganap ang paglabag noong October 25, 2020 sa Manila International Container Port (MICP).
Kabilang din sa sinampahan ng kaso dahil sa umano’y iilegal importation ang Summer Beast Enterprises Co. dahhil sa pag-aangkat at misdeclaration ng 539 bundle ng mga nagamit nang damit at iba pang kagamitan gaya ng inkjet glossy paper, yoga mat, wearing apparel, phone holder, foodstuffs, air purifier, cellphone accessories, cellphones, USB, vape, medicines, medical supplies, personal effects at antennas.
Idineklar ng consignee ang shipment bilang Xueya brand paper products, Blue King brand led light strip, Medial brand yoga mat, Wellone Brand wearing apparel at Topo brand phone holder.
Ang mga kargamento ay naharang noong October 19, 2020 doon pa rin sa MICP.
Ang ikatlong kaso ay isinampa laban sa GT Enterprise dahil sa umano’y smuggling ng limang shipments na idineklarang 6,060 karton ng ceramic kitchenware pero naglalaman ito ng 9,102 karton ng Banma mosquito coils, 218 karton ng kitchen wares dinnerware at 50 piraso ng banma mosquito empty cartons.
Nasabat ang mga kontrabando sa Port of Cagayan de Oro noong August 19, 2020.
Humaharap ang mga consignees maging ang kanilang Licensed Customs Brokers dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA); Republic Act No. 4653 o “An Act to Safeguard the Health of the People and Maintain the Dignity of the Nation by Declaring it a National Policy to Prohibit the Commercial Importation of Textile Articles Commonly Known as Used Clothing and Rags”; Department of Health (DOH) Administrative Order No. 2014-0038 o ang Rules at Regulations Governing Household/Urban Pesticides Licensing of Establishments and Operators, Registration of Their Products and for Other Purpose at Article 172 na may kaugnayan sa Article 171 ng Revised Penal Code.
Sa ngayon, aabot na sa 112 cases ang naisampa sa DoJ laban sa mga pasaway na importers at ccustoms brokers.