-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Anim na panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Bicol kung saan tatlo rito ay pawang mga health workers.
Dahil dito, umakyat na sa 34 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bicol.
Ayon sa Department of Health (DOH) Bicol, taga Naga City, sa bayan ng Camila sa Albay, at sa Guinobatan ang tatlong nagpositibong health workers.
Samantala, patuloy naman ang isinasagawang contact tracing sa mga nakahalubilo ng mga nagpositibo sa sakit.