-- Advertisements --
po session

ROXAS CITY – Huli sa aktong nagpo-pot session ang tatlong guro sa isang beach resort sa Barangay Natividad, Pilar, Capiz.

Kinilala ang mga drug suspects na sina Rey Engarcial 33 ng Barangay Pusok, Lapu Lapu City, Cebu; Rhandy Tandoy Jr., 22 ng Barangay Basak San Nicolas, Cebu City at Alvin Kho 48 ng Barangay Kamamalan, Cagayan de Oro City.

Nakatanggap ng impormasyon ang Pilar Municipal Police Station mula sa caretaker ng Tirol Beach resort na may tatlong lalaki na nagcheck-in sa resort at n nagpo-pot session.

Kaagad na pinuntahan ng mga pulis sa pamumuno ni Police Captain Alfred de Leon ang nasabing resort kung saan naaktuhan nilang nasa kainitan ng pot session ang tatlo.

Narekober sa mga drug suspek ang dalawang empty sachet na may shabu residue, aluminom foil, blade at dalawang cellphone.

Samantala nakuha sa bulsa ni Engarcial ang isang sachet ng shabu at cellphone.

Sa ngayon ay nakakulong na sa Pilar Municipal Police Station ang tatlo at haharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Napag-alaman na nagtuturo ang tatlong drug suspek sa mga out of school youth sa nasabing bayan.